||||||||||
SEARCH
LOG IN
USERNAME
PASSWORD
Forgot your password? Register
Entertainment: Sino ang Prof mo?

Haay… Tapos na naman ang bakasyon. Heto na naman tayo excited pagpasok muli sa campus (excited nga ba?) para muling makita ang mga classmates at mga friends. Siyempre nandyan din ang mga estudyanteng walang ginagawa sa loob ng campus kundi hunting-in ang kanilang crush.

 

            Pero alam n’yo ba, sa mahigit na tatlong taon kong pag-aaral dito sa GNC ay parang nakabisado ko na ang mga katangian ng ating mga propesor. Marami sa mga professors natin ay magagaling at talaga namang hindi pahuhuli kahit sa ibang mga unibersidad. Pero mayroon din naman na parang walang “paki” sa mga estudyante at may mga teaching strategies na parang out of this world. Kaya heto at kilalanin natin sila… malay mo, prof mo sila ngayong semester.

 

The Reader

 

Hindi ko tinutukoy ang pelikula ni Kate Winslet ha? Siya ang prof na walang ginawa sa klase kundi magbasa ng handouts at powerpoint. Darating siya sa classroom daladala ang isang aklat na siya lamang ang may kopya. Kahit saang section ng library mo hanapin ang kanyang aklat ay ‘di mo ito makikita. Hindi rin nya sasabhin ang title at author ng book para makinig ang mga estudyante sa kanyang pagbabasa. Wala siyang gagawin sa loob ng klase kundi magbasa ng magbasa. Ok lang sana ‘yun kung alam rin nyang i-explain ang kanyang binabasa.

 

The Magician

 

Sila yung mga prof na bihirang magbigay ng quiz, walang term paper, walang class activity, at minsan walang term exam (ang saya!) pero bigla ka na lamang magkaka-grade. Minsan masasambit mong “ang galing naman ni sir/ma’am… na co-compute nya ang grade ko kahit wala naman kaming ginawa buong semester!” (ang galing nga!). Parang magic ano po?

 

The Best Acting Professor

 

Ang mga prof na ito ay magagaling sa acting. Papasok sila ng walang prepared lesson. Pero siyempre, hindi silang magpapahalata. Mag che-check muna sila ng attendance para maubos ang oras. Chika-chika kunwari sa ibang estudyante at may kung anu-anong hahanapin sa kanilang bag. Kapag may nalalabing oras pa, dun na magsisimula ang kanilang acting skills. May ilang prof na mag gagalit-galitan para tumahimik ang klase; pagdidiskitahan ang isang notorious na estudyante para maubos ang oras kase-sermon sa kanya. Sa oras na mag ring ang bell… tapos ang acting… winner! Hindi nga naman halata na walang prepared lesson.

 

The “Correct Me Not”

 

Ang ilang mga prof ayaw tumanggap ng pagkakamali. It’s ok to admit your mistakes. Actually mas kahanga-hanga ang mga teachers na alam ang kanilang pagkakamali. Minsan kasi may mga estudyanteng mas masisipag pang mag research at paminsan-minsan ay natutuklasan na may mali sa itinuro ni prof. Siyempre sasabihin mo kay sir/ ma’am ‘yun in the politest way you know. May mga prof na open minded at maiintindihan ka. However, yung mga “Correct Me Not” na teachers, mamasamain nila at sasabihan ka pa na nagmamagaling. Kung sabagay, may kasabihan: “Mahirap i-correct ang prof na- t_n_a!”

 

The Surrogates

 

Kung napanood n’yo ang pelikula ni Bruce Willis makakarelate kayo sa mga prof na ganito. Sila kasi ang mga prof na bihirang tumayo sa klase. Lagi silang nasa likurang bahagi ng classroom (bakit kaya?). Paano naman kasi, sa simula ng semester hanggang sa finals eh nakapag-assign na siya ng mga reporters on a particular topic. Kaya ayun, si prof pa-text-text lang habang ang mga estudyante na mistulang clone nila ang nagtuturo sa kapwa nila estudyante. No wonder hindi kilala ng ibang students ang kanilang mga professor.

 

The Ghost Whisperer

 

“Ano raw???” yan ang karaniwang tanong ng mga estudyante sa kanilang katabi kapag nagtuturo ang mga prof na ito. Napakahina ng boses nila na kahit magsuot ka ng hearing aid ay hindi pa rin uubra. Para lamang silang bumubulong sa at nag lilitanya ng kung anu-ano na tila may kausap na ghost sa tabi n’ya. Minsan nga maiisip mo, “Napo-posess kaya si prof kaya nagsasalita siyang mag-isa?” Ang resulta, boring at nakaka antok na klase.

 

The Writer

 

Siyempre kung may Reader, mayroon ding Writer. Sila ang mga prof na nagbibigay ng additional three units na writing course. Siguradong gaganda ang sulat mo kaka-kopya sa pisara ng mga lecture. No discussion ang drama ni sir/ma’am kasi naubos na ang time. Kaya paalala sa mga naka enroll kay prof, ‘wag maghuhugas ng kamay after ng klase dahil baka pasma aabutin mo.

 

The Terminator

 

May mga prof na magaling magturo… ang galling mag-explain. Pero pagdating ng term examination saka mo madi-discover na wala naman sa tinuro niya ang ibang mga items na lumabas sa exam! Kaya ang pangarap mong ma-exempt sa finals ay mate-terminate na. Ano ba yun? Dalawa lang naman ang rason dyan, either old, recycled exam ang binigay n’ya at hindi na namalayan na nakapagbigay siya ng items sa term exam na hindi na tackle; or sadyang mala-Terminator sa pagkasadista si sir/ma’am.

 

The Grudge

 

Pagpasok pa lang nila sa klase iba na ang pakiramdam mo. Kahit maliwanag ang silid ay tiyak na magdidilim kapag pumasok ang teacher na ito. Ma-o-On the spot ka sa kanya sa mga surprise recitations at mga tanong na hindi pa napapag-aralan. Ang reason ng prof na ito ay ganito: “Noong ako ang nag-aaral, nahirapan ako sa subject na iyan…”. Parang wala siyang kaligayahan sa buhay… Simpleng bagay ginagawang komplikado. Super sa pagka maangas ang prof na ito. Fault finder kahit sa kanyang mga colleagues. Prof mo ba siya?

 

The Stone

 

Parang superhero ano? Pero mali ang naiisip ninyo… Atleast mas maganda ang title nila kaysa sabihing “Lalake o Babaeng Tuod”. Ano nga ba ang meron sa mga prof na ito? Wala… as in wala… ni hindi mo mamamalayan na tapos na pala siyang magdiscuss. Para lang siyang bato… super sa pagka passive kahit nagkakagulo na ang buong klase.  Para lang siyang tumambay sa podium at nawalang parang bula. Wala silang pakialam kahit maingay ang klase… Walang keber kahit nagsuntukan na ang mga estudyante… Parang walang authority over the students. Naku prof, sa ingay ng klase mo ay nakaka disturb ka na rin ng ibang klase. Konting classroom management naman.

 

The Noble Prof

 

Siyempre tatapusin ko ang artikulong ito sa mga prof na talaga namang kinagigiliwan ng mga estudyante hindi dahil mabait kundi dahil sa galing sa pagtuturo. Sila ang mga prof na talaga namang prepared ang bawat lessons na idi-discuss sa klase. Sila ang mga nirerespeto ng mga estudyante hindi dahil sa natatakot sila kundi dahil sa matinding paghanga sa kanila. Sa kanila mo na fi-feel na worth it ang tuition mo sa GNC.

 

Iyan muna ang mga prof na ating bibigyang pansin. Marahil naka-relate kayo at naging professors n’yo na rin ang mga nabanggit. Batu-bato sa langit ang tamaan dapat lang na matauhan.

Sa aming mga minamahal na propesor na tinamaan sa paksang ito, isa po lamang itong panggising para baguhin ang mga estilong hindi epektibo sa pagtuturo sa kolehiyo. Ang hangad po namin ay magkaroon ng mga propesor na huhubog ng husto ng aming mga kaisipan upang maging kapakipakinabang na mamamayan sa hinaharap.

 

(JMP)

HEADLINES
GNCians go SMART

Guagua National Colleges has officially launched the GNC School SIM and InfoBoard service held at the covered courts last Jan. 18-22, 2010.

 

>>more
GNC Chorale Rocks Amphi

The GNC Chorale once again exhibited their singing prowess when their debut concert was staged at the GNC Amphitheater o....

>>more
Share For Sale Launched

The Community Research and Outreach Program (CROP) launched the Share for

>>more
ComSciA ranks 2nd in I. T. Regional Competition

         The Gua....

>>more
On Our Website

Please bear with us. Our website is under construction. We are happy to receive messages from you, keep them coming. Registration on line will be available in a f....

>>more
>>more headlines
EVENTS
GNCians go SMART

Guagua National Colleges has officially launched the GNC School SIM and InfoBoard service held at the covered courts last Jan. 18-22, 2010.

>>more
92nd Foundation Day: February 24-27, 2010

Guagua National Colleges will celebrate it's 92nd founding anniversary and here is the tentative program for the much awaited event of the year:

February 24 (Wednesday)

>>more
SMART InfoBoard will Launch Tomorrow

SMART InfoBoard will have their symbolic turnover of the GNC SIM on the birthday celebration of our beloved president, Atty. Ricardo V. Puno, Jr. on January 19, 2010.  This will mark the formal launch of the sc...

>>more
President's Day

Our beloved president, Atty. Ricardo V. Puno, Jr. will celebrate his 64th birthday on January 20.  The hardworking president will be treated by his GNC Family with a surprise program on Tuesday, Janua...

>>more
TCM on Inkblots '09

Ink...

>>more
>>more events

Home Alumni Bid Guestbook Poll Forum Library
GNC Portal 2009